1K arawang kaso sa NCR possible pagkatapos ng eleksyon – OCTA

MANILA, Philippines – Posibleng umakyat sa 1,000 bagong kaso ang maitatala sa National Capital Region (NCR) kada araw pagkatapos ng halalan sa Mayo 9.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bagama’t nananating “low risk” ang Pilipinas sa COVID-19 ay maaari pa rin itong magbago sa harap na rin ng banta ng mga panibagong variants o sublineages na maaaring makapasok sa bansa.

“‘Yung projection natin, kung wala namang pagkalat o pagtaas ng kaso, we’re still seeing cases will remain low in NCR basta nag-iingat tayo. Ngayon, we’re averaging less than or around 100 cases per day sa NCR,” paliwanag ni David.

“May different scenarios tayo na tinitignan. Kung magkaron ng pagtaas ng kaso, we may see up to 500 to 1,000 cases per day sa NCR pero sana naman hindi mangyari ‘yun,” dagdag niya.

Noong Linggo, una nang iniulat ni David na nakapagtala ang NCR ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 noong April 24 hanggang 30 kung saan tumaas sa 7% ang growth rate nito kumpara sa datos na naitala noong April 17 hanggang 23.

Kasalukuyan ding mino-monitor ng OCTA ang COVID-19 situations sa ilang lugar sa Benguet, Davao Region, Cebu, at Isabela.

Kamakailan nang maitala ang kauna-unahang kaso ng Omicron BA.2.12 subvariant sa Pilipinas mula sa isang 52-anyos na Finnish female na bumisita sa Baguio City. RNT/ JCM

Leave a comment