
Ang General Authority of Civil Aviation (GACA) sa Saudi Arabia ay nagpataw ng pinansiyal na kabayaran sa mga airline, kung maantala o mawala o masira ang mga bagahe ng pasahero. Kinakailangan ng Airline na bayaran ang customer sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng pagtanggap ng claim sa kompensasyon.
Ipinaliwanag pa ng GACA na dapat bayaran ng air carrier ang bawat customer na may hawak ng ticket na may minimum na 1,820 Saudi Riyals at hindi hihigit sa 6,000 riyals para sa pagkawala, pinsala o pagkaantala ng bagahe.
- Ang mga pasaherong gustong taasan ang antas ng kompensasyon dahil ang kanyang bagahe ay naglalaman ng mahahalaga o mataas na halaga ng mga bagay ay dapat ibunyag sa airline ang kanilang presensya at halaga nito bago sumakay sa flight.
- Dapat mabayaran ang mga customer kung sakaling maantala ang kanilang mga bagahe, katumbas ng 104 riyals para sa bawat araw ng pagkaantala at maximum na 520 riyals para sa mga domestic flight, sabi ng GACA.