Magbubukas na ang 1-Repatriation Command Center ng Department of Migrant Workers (DMW) ngayong linggo.
Sa abiso ng DMW, ilulunsad ang 1-ORCC sa darating na Miyerkules sa tanggapan ng POEA sa Ortigas Avenue, Mandaluyong.
Ang naturang command center ang siyang magiging kauna-unahang Flagship Program ni DMW Secretary Susan Ople na layong magsilbing one-stop shop para sa pagaasikaso ng repatriation ng mga distressed OFW gayundin ang pagpapauwi ng labi ng mga nasawing migrant workers.
Inaasahang magbibigay ito ng kinakailangang tulong para sa mga OFW anuman ang kanilang employment status.
Makakatuwang naman ng DMW sa programa ang ilang government agencies gaya ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), pribadong sektor, at iba pang stakeholders.
Nauna nang sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na nais nitong magkaroon ng iisang dudulugan ang mga pamilya ng OFWs na nangangailangan ng tulong sa ibang bansa.

sana nga po ko po need ko n din po umuwi mag 2mons na po ako dto s agency nkatambay di po ako mabilhn ng tucket ng agency kp dahil mahal daw po ticket humihinge po ako ng tulong n sana makauwi n po ko dahil may sakit po ako kaya dana po ako pwede magtrabaho kaso po duku po alam kung gang kelan ako maghinty dito sa agency kung may hinihinty ba ako may mga anak po ako na naghhunty skin wl po ako asawa magpapasukan na tpos ako wala pa pong trabho
LikeLike