Mga jobless Pinoy kumonti

Bumagsak ng 4.2 percent ang bilang ng mga walang trabaho nitong nagdaang buwan o Disyembre 2022, pinakamababa sapol noong April 2005, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ang unemployment rate para sa buwan ay nasa 2.18 milyon. Ito ay ang mga Pinoy na walang trabaho at naghahanap. Mas mababa ito sa 2.24 milyon o 4.5 percent noong Oktubre at 3.16 milyon o 6.5 percent noong November 2021, ayon kay National Statistician Dennis Mapa.

Pinaliwanag ni Mapa na ang annual unemployment average mula Enero hanggang Nobyembre ay 5.5 percent na malapit sa pre-pandemic level na 5.1 percent noong 2019.

Sinasabing ang mga top industries ang siyang pangunahing dahilan sa pagtaas ng bilang ng may trabaho sa month-on-month basis habang ang wholesale at retail trade, repair ng motor vehicles at motorcycles, manufacturing, accommodation at food services, agriculture at forestry at public administration at defense maging compulsory social security ay nakatulong din.

Tumaas ang employment noong November sa 95.8 percent, o 49.71 milyon.

Ang nasabing bilang ay mas mataas sa 95.5 percent employment rate o 47.11 milyong Pinoy na may trabaho noong Oktubre at sa 93.5 percent o 45.47 milyon noong nakaraang taon, ayon sa PSA.

“Normally yung last few months holiday season kasi talagang doon tumaas ang employment rate kasi nag marami tayong economic activity,” paliwanag ni Mapa. (Catherine Reyes)

Source: Abante

Leave a comment