Mas mataas na monthly pension scheme niluluto ng SSS

MANILA, Philippines – KASALUKUYAN nang lumilikha ang state-run Social Security System (SSS) ng bagong pension scheme na naglalayong payagan ang mga miyembro nito na magtayo ng “bigger nest egg” pagdating ng kanilang retirement.

Sa oras na maaprubahan ng SSS policy-making body ng mga komisyonado, ang monthly retirement pension na ₱20,000 (ceiling) ay magbabago.

HIndi naman kailangan ng plano ng executive order mula Malakanyang o kahit na anumang congressional approval.

“The pension will be increased from the current say 5 [thousand pesos], 10 [thousand pesos], to as high as 30,000… 40,000,” ayon kay SSS President Rolando Macasaet.

Nagtakda naman ng timetable na dalawa hanggang tatlong buwan ang SSS para i-roll out ang mas pinalaking pension program, subalit nilinaw ni Macasaet na ang mas mataas na pension scheme ay “voluntary.”

“Voluntary lang ito. Pero ang mga employers, kung gusto nilang mag-share, puwede din lalo na for their employees na gusto nilang i-retain,” ayon kay Macasaet.

Sa ulat, batay sa umiiral na setup, ang mga retirado ay makakukuha ng kanilang pension na ₱4,000 hanggang ₱20,000 range kada buwan, depende kung magkano ang kanilang naiambag sa pondo.

“The logic is that the bigger amount of premium the member voluntarily contributes, the greater the benefit when he or she retires, unlike the current maximum monthly pension of just ₱20,000,” ayon sa SSS.

Matatandaang, itinaas ng ahensiya ang contribution rate ng mga miyembro nito ng 14% mula 13% noong nakaraang taon.

Sa kabilang dako, ang SSS ay mayroong 41 milyong miyembro.

Samantala, naglunsad din ang pension fund ng programa na tinawag na “SSS Service on Wheels” target nito ang mga mahihirap na sambahayan mula sa malalayong lugar. hiningi ang tulong ng local government executives. Kris Jose

Leave a comment