Maynila – Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes (Hulyo 31) na natapos na ng technical teamng ahensya ang system at maintenance upgrade sa DMW Mobile App – OFW Pass.
Dahil diyan simula ngayong araw ay ang one-time password (OTP) authentication ay ipapadalana sa registered email ng gagamit ng app.
Matatandaang sa mga nakalipas na linggo ay kaliwa’t-kanang reklamo ang tinanggap ng DMW mula sa mga OFW na sumubok gumamit ng DMW Mobile App at OFW Pass app.
May ilang mga di makalogin, hindi makadownload, habang ang iba naman ay nag-iintay ng ilang oras bago matanggap via text message ang OTP na kinakailangan para makapaglogin ang isang user.
Samantala sinabi naman ng DMW na ang DMW Mobile App at OFW Pass ay “nasa proseso pa rin ng pilot test run.”
Ibig sabihin bagamat maida-download aniya ang mobile app ay “hindi pa fully operational at dumadaan pa rin sa mga pagbabago at technical improvements.”
Hinihikayat ng DMW ang mga OFWs na iparating ang kanilang mga feedback at suhestisyon habang isinasagawa ang pilot test run ng app.
Sa mga nagnanais ng agarang tulong sa pagkuha ng OFW Pass, ay mangyaring makipag-ugnayan sa OFW Pass Contact Center sa email na ito: ofwpass@dmw.gov.ph o kaya’y tumawag sa mga sumusunod na numero:
+63 908 326 9344
+63 927 147 8186
+63 920 517 1059

Good day po, may dmw napo ako kaso hnde kopo maopen dto sa saudi pano po mag rehistro ?
LikeLike
Hindi aq mka log in s dmw
LikeLike
Myrnatapuro69gmail hi po.maam /sir bkt po de ako maka log in SA DMW app
LikeLike
Hirap ako makapag registered sa DMW app .laging invalid username or password,need ko kase kumuha ng oec balik manggagawa
LikeLike
Good day po! Bkit po nla lagay sa dmw ko contract expiration 2021 ? Pa2ano po un eh continue nman po ako dto sa work ko nka 12 years npo ako magka2 probema po ba pagbalik ko ulit sa work ko ksi magba2kasyon po ako this friday ng 38 days nlng po .dti po ksi every time ako ku2ha ng oec lagi ako reception. Thank you po and God bless!
LikeLike
Good day po! Bkit po nka lagay sa dmw ko contract expiration 2021 ? Pa2ano po un eh continue nman po ako dto sa work ko nka 12 years npo ako magka2 probema po ba pagbalik ko ulit sa work ko ksi magba2kasyon po ako this friday ng 38 days lng po .dti po ksi every time ako ku2ha ng oec lagi ako exemption ang problema po sto sa dammam wla pong embassy pra ma verified ung contrata kung sakali ku2ha ulit Thank you po and God bless
LikeLike
Sir gawa aqo Ng ofw pass piro n/a cya pwde npo ba Yun
LikeLike