
Nagkanya-kanyang pakita ng nakakalungkot na tulugan ang ilang mga Pilipinang domestic worker sa Hong Kong kamakailan, matapos kumalat ang litrato ng isang mala-nitsong tulugan na binebenta ng isang kumpanya sa Mainland China sa halagang $10,000.
Umani ng pinakamaraming pag-aalala ang ipinakitang tulugan ng isang Pilipina na nakadikit sa inodoro, at sa sobrang kitid ay halos hindi magkasya ang isang taong nakahiga.
Ayon sa nagpakita nito, sinubukan niyan magreklamo sa kanyang amo, pero ang sagot daw nito ay pasalamat siya dahil may libre siyang toilet. Kung hindi daw siya masaya doon ay maari na siyang magbitiw.
Hindi ito ang unang tulugan sa loob ng toilet na pinagamit sa isang foreign domestic worker sa Hong Kong.