
MANILA, Philippines – Nagpapagaling na sa ospital ang iniulat na Filipino na nasaktan dahil sa armed conflict sa Israel.
“Puro ito mga reports pero I think what you’re referring to is Joey Pasulingan. Si Joey, if I am right, siya ay nasa atin ng hospital na… kung siya ang tinutukoy ninyong tinamaan ng bala and he’s recovering. ‘Yan ‘yung most likely na nasa report,” sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio nitong Lunes, Oktubre 9.
Noong Sabado, matatandaan na inilunsad ng Hamas ang pinakamalaking pag-atake sa Israel sa loob ng ilang taon sa pagpapakawala ng mga rocket at paglusob ng mga armadong kalalakihan sa mga bayan ng nasabing bansa.
Kasunod nito ay inanunsyo ng Israel ang “state of war alert” at nangako si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na gaganti.
Sa pinakahuling ulat, halos 1,000 na ang nasawi sa kaguluhan sa Israel. RNT/JGC
Source: Remate