Timeline

Ako po ay mariing nagpapahayag ng malinaw na salaysay ukol sa mga akusasyon na pilit iniuugnay sa akin sa nangyaring pagpanaw ng isang vlogger sa Riyadh.

Noong May 3 nakatanggap ako ng email mula sa sa isang tao about sa reklamo sa vlogger mula sa isang ofw tungkol sa reklamo ng employer nya na si waseem.

Nung araw rin na yun ay tinanong ko pa kung totoo ang paratang at inisa isa nya ang lahat sa email ng mga alegasyon.

May 4 nag reak ako sa email na yun gamit ang youtube at direkta kong sinabi na hindi ko inaakusahan ang vlogger kung totoo man ang alegasyon.

May 4 rin nag komento ang vlogger na fake news ito at sinagot ko pa siyang sagutin mo ang alegasyon laban sa kanya kaya nagpost siya sa kanyang FB account na fake ang alegasyon sa kanya noong May 11.

https://www.facebook.com/share/p/15VDfDdZMj/?mibextid=wwXIfr

Lumipas ang araw May 12, nagpost ang vlogger sa Fb Account niya na sinasabing

“Now alam ko na kong sino ang punot dulo ng lahat😏 ikaw pala nag papakalat ha😂 #make up artist sia..Now may prove na ako😏”

https://www.facebook.com/share/p/1BWVYpqaFh/?mibextid=wwXIfr

May 13 ipinost niya ang pangalang

“(HMua gawang RL) at sinabi pa niyang “Now alam ko na ang totoong mukha ng kalaban ko”.

https://www.facebook.com/share/p/1CWguJUVe1/?mibextid=u

May 13 sinundan niya ng isa pang post at dito nilahad nya ang kanyang usapan pati na rin ang kanyang kaaway ang mga salitaan nila na may pagbabanta sa kanyang buhay.

“Sabi nia Puntahan nia ang pinag tatrabahoan ko dati # may maga patinong sia sa akon Anong ibig sahihin nito? Planodo nia lahat Patibong bakit? legal action very soon very alarming ang salitang patibong. It means naka plano lahat”

https://www.facebook.com/share/p/16VHQ256wi/?mibextid=wwXIfr

May 30 nakatanggap ako ng email mula sa kapatid ng vlogger na pangalan ay Agnes Carom na humihingi ng tulong dahil na ospital ang vlogger due to suicide.

Tinanong ko kung bakit pero tanging sagot ay nadepress pero walang sinabing dahilan ng depresyon. Hiningi ko detalye at pangalan ng ospital para ipagbigay alam sa MWO.

June 6 lumabas sa balita na patay na ang vlogger at isa isa narin nagsipag post ang mga tao na ako ang inaakusahan dahilan ng pagpapakamatay.

Pero malinaw na hindi ako ang kaaway at dahilan ng kanyang depresyon kung totoo man nadepress ang dahilan ng pagbibigti nya

Leave a comment