Category Archives: Philippines News

POEA offers zero placement fee for some job opportunities abroad

The Philippine Overseas Employment Administration (POEA) said that job seekers are not required to pay the placement fee for some jobs being offered abroad, according to Sandra Aguinaldo’s report on “24 Oras” on Tuesday.

POEA Administrator Bernard Olalia said the zero placement fee is applicable for jobs made available under a government-to-government agreement with some foreign countries.

Olalia said the government is looking at employment opportunities that will soon be available in “emerging markets” such as the United Kingdom, New Zealand, Germany, Canada, Australia, Taiwan, Romania, Croatia, and Hungary.

“Ang Israel ay nagsimula nang mag hire ng ating hotel workers… yung sa Australia isa itong another labor agreement pertaining to healthcare workers. According to them, mahigit isang libong healthcare workers ang kakailanganin natin,” he said.

(Israel started hiring our hotel workers… we have a labor agreement with  Australia pertaining to healthcare workers. This will need more than a thousand healthcare workers.)

“Magpapadala rin ang bansang Pilipinas ng mga skilled and professionals natin papuntang Canada,” he added.

(The Philippines will also send our skilled workers and professionals to Canada.)

At the POEA office, several Filipinos bound for abroad were seen preparing for their requirements.

One of them was Frederick Bautista, who will return to South Korea as a worker in a furniture company.

Bautista was unemployed for a year due to the pandemic. But in June, his employer processed his application.

“Medyo malaki-laki po ang sinasahod ko sa ibang bansa. Para sa pamilya at kinabuksan ng mga anak ko.”

(I earn quite a lot abroad. This is for my family and the future of my children.)

Nurse Cyrell Anne de Leon is processing her document to go to Saudi Arabia.

De Leon said he does not want to be separated from her three children, but she has no other choice.

“Para sa future ng mga bata. Ang anak ko tatlo na at lumalaki na,” she said.

(This is for the future of my kids. I have three kids and they’re growing up.)

POEA said job opportunities abroad are opening up as more countries relax their COVID-19 restrictions.

Some of the jobs needed abroad are healthcare workers, factory workers, hotel staff, transportation and aviation staff.

The POEA, meanwhile, advised the public to always check their website for job openings overseas.

It also urged Filipinos to get training and upgrade their skills.

“Katuwang po ng departamento namin ang TESDA para sa patuloy na empowerment through the skills of our OFWs,” Olialia said.

(Our department is partnering with TESDA for the continuing skills empowerment of our OFWs.)—Mel Matthew Doctor/LDF, GMA News

Metro Manila mananatili sa Alert Level 1 hanggang Hulyo 31

Ipinako ang Metro Manila at iba pang lugar sa Alert Level 1 mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31.

Ayon sa Department of Health nitong Martes, ibinaba rin ang General Santos City at 18 pang lugar sa Alert Level 1.

Nasa ilalim ang kumpletong listahan ng mga lugar na nasa Alert Level 1 hanggang Hulyo 31:

Repatriation Command Center, ilulunsad na ng DMW ngayong linggo

Magbubukas na ang 1-Repatriation Command Center ng Department of Migrant Workers (DMW) ngayong linggo.

Sa abiso ng DMW, ilulunsad ang 1-ORCC sa darating na Miyerkules sa tanggapan ng POEA sa Ortigas Avenue, Mandaluyong.

Ang naturang command center ang siyang magiging kauna-unahang Flagship Program ni DMW Secretary Susan Ople na layong magsilbing one-stop shop para sa pagaasikaso ng repatriation ng mga distressed OFW gayundin ang pagpapauwi ng labi ng mga nasawing migrant workers.

Inaasahang magbibigay ito ng kinakailangang tulong para sa mga OFW anuman ang kanilang employment status.

Makakatuwang naman ng DMW sa programa ang ilang government agencies gaya ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), pribadong sektor, at iba pang stakeholders.

Nauna nang sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na nais nitong magkaroon ng iisang dudulugan ang mga pamilya ng OFWs na nangangailangan ng tulong sa ibang bansa.

OWWA maglulunsad ng programa para sa mga anak ng OFWs

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Martes na inaprubahan ng board of trustees nito ang resolusyon na bubuo ng flagship program para sa proteksyon at kapakanan ng mga anak ng overseas Filipino workers.
Inihayag ng OWWA na sa Board Resolution Number 7 nito, inaprubahan ang OFW Children’s Circle (OCC) noong Hulyo 15 ng OWWA Board of Trustees sa pangunguna ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, kasama si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.
Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagaanin ang buhay ng mga OFWat kanilang mga anak sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sinabi rin ng OWWA na tutulungan ng OCC ang mga anak ng OFW na ipakita ang kanilang mga kakayahan at talendo, pagbutihin ang kanilang social skills, mahasa ang kanilang coping mechanisms, at bigyan sila ng kaalaman sa youth-centered at civic advocacies kagaya ng environment at climate change, values reorientation, digital literacy, at anti-drugs at substance abuse.
“The OCC aims to help OFW children to achieve their full potential in community- and nation-building. It will also address the societal impact of labor migration, such as separation from an OFW-parent, as well as negative effects on their well-being and mental health,” pahayag ng OWWA.
“OCC programs and activities aim to help children cope with the negative effects and social costs of migration, not to mention the effects of the COVID-19 pandemic and other global emergencies,” dagdag nito.
Hindi bababa sa P15 milyon ang inilaan ng OWWA Board of Trustees fpara sa inisyal na implementasyon ng programa, na saklaw ang operational at administrative expenses nito.
Ayon pa sa OWWA, inisyal na ipatutupad ang OCC sa regional welfare offices sa National Capital Region, Ilocos Region, Calabarzon, Central Visayas, at Davao Region.
Susundan ito ng implementasyon ng programa sa lahat ng OWWA regional welfare offices. RNT/SA

Mga dapat mong malaman tungkol sa ‘exchange rate’

Usap-usapan ngayon sa iba’t-ibang social media platforms ang exchange rate dahil sa pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar. 

Marahil marami ka na rin sigurong naririnig na kuro-kuro patungkol dito. May mga nagsasabing hindi ito maganda sapagkat nakakaapekto ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. 

Meron din namang naniniwalang nakabubuti ito lalo na sa mga pamilyang umaasa sa perang padala o remittances ng mga kamag-anak nilang nasa abroad. 

Subalit ano nga ba ang katotohanan sa likod ng pagbagsak ng halaga ng piso?

Ano nga ba ang exchange rate?

Ang exchange rate ay ang katumbas na halaga ng isang domestikong salapi laban sa isang banyagang salapi.

Kung ilalagay natin ito sa konteksto ng Pilipinas, ang kasalukuyang exchange rate ng piso kontra dolyar ay nasa 54 pesos na kada US dollar (USD). Ito na ang pinakamababang naitalang palitan sa nakalipas na 12 na taon (Figure 1).

Para sa kaalaman ng lahat, hindi naman bago sa atin ang paghina ng piso kontra dolyar.

Sa katunayan, taong 2013 pa nagsimulang humina ang palitan ng piso kontra dolyar, sumabay ito sa paghina ng iba’t ibang currencies ng ating mga karatig-bansa sa rehiyong ASEAN.

Subalit noong 2016, nagsimulang makabawi ang karamihan sa kanila maliban sa Philippine peso (Figure 2). Kaya hindi totoo na isa lamang “global trend” ang pagbagsak ng halaga ng piso.

Bakit nagbabago-bago ang exchange rate?

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nagpapatupad ngfloating exchange rate regime, kung saan ang halaga ng piso laban sa dolyar ay nakadepende sa paggalaw ng kani-kanilang demand at supply sa merkado. 

Halimbawa, kung bibili tayo ng imported goods sa US, nararapat lamang na ang perang ipambabayad natin sa bansang ito ay nasa US currency, o nasa dolyar. 

Samakatuwid, ang labis na pag-aangkat (importation) ay nagiging sanhi ng mabilis na paglabas ng dolyar sa ating bansa. Ito’y nagdudulot ng pagbaba ng supply ng dolyar kumpara sa piso.

Ayon sa basic Economics, ang pagbaba ng supply ay nagiging dahilan ng pagtaas ng halaga ng isang bagay. Halimbawa, mas mahal ang presyo ng bigas kapag nagiging limitado ang supply nito tuwing may krisis o kalamidad. 

Maari rin nating gamitin ang konseptong ito sa currencies. Kapag nagiging limitado o bihira ang supply ng dolyar kumpara sa piso, tumataas ang halaga nito laban sa piso, na magreresulta sa mas mababang palitan o ‘mataas’ na exchange rate.

Ayon mismo kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang pagbaba ng halaga ng piso ay dahil sa tumataas nating imports na dulot ng Build, Build, Build (BBB)—ang pangunahing programang pang-ekonomiya ng Administrasyong Duterte. 

Ang mga proyektong kaakibat ng BBB ay nangangailangan ng mga materyales (gaya ng mga construction materials) na kailangan pa nating angkatin mula sa ibang bansa.

exim_ue

Masama ba o mabuti ang paghina ng piso?

Isa sa mga mabuting naidudulot ng ‘mataas’ na exchange rate ay ang pagtaas na halaga ng OFW remittances. 

Kung nagpapadala ang tatay mong nasa California ng 1,000 USD kada buwan, ang pagtaas ng palitan mula 53 pesos patungong 54 pesos ay magbibigay sa iyo ng additional 1,000 pesos.

Bagamat maganda ang epekto ng tumataas ng exchange rate sa mga pamilyang umaasa sa remittances, dapat mo ding malaman na may epekto ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin (inflation). (BASAHIN: Ano ang katotohanan sa inflation?)

Maraming sektor sa ating ekonomiya ang umaasa sa mga imported goods. Isa na siguro sa pinaka-apektado ng mataas na palitan ay ang sektor ng transportasyon. Pag humina ang piso, mas nagiging mahal ang mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, pati na rin ang gastos ng mga tsuper at driver, kaya asahan ang pagtaas ng mga pamasahe.

Isa rin sa madalas nating marinig na sinasabing magandang epekto ng ‘mataas’ na exchange rate ay ang posibleng pagtaas ng exports. 

Base sa teorya sa Economics, kapag bumababa ang halaga ng domestikong salapi kumpara sa halaga ng banyagang salapi, nagiging mas mura ang mga produkto ng isang domestic country sa mata ng mga banyaga. 

Isang magandang halimbawa nito ay ang China. Ilang beses nang pinaratangan ang China na sinasadya nilang pababain ang halaga ng Yuan para manatiling malakas ang kanilang exports.

photo 4

Subalit kung titignan mo ang ating datos ng exports, makikita mong hindi naman lumalago masyado ang ating exports kahit na bumabagsak ang halaga ng piso (Figure 3).

Anong ibig sabihin nito? Na mali ang teorya sa economics? Hindi naman sa ganun, sapagkat may iba pang salik—tulad ng presyo at kalidad ng produkto—na maaring nakakaapekto sa malamlam nating exports sa pandaigdigang merkado.

Isa pang masamang naidudulot ng paghina ng piso ay ang pagtaas ng halaga ng ating utang panglabas (o ang ating external debt). Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas, ito’y umabot na sa 72.2 billion USD.

Samakatuwid, ang pagbaba ng exchange rate ay parehong mayroong positibo at negatibong epekto. Marahil ang kailangan lang nating pag-isipan ay kung anong epekto ang nangingibabaw at mas nararamdaman ng buong bansa.

Kalibo int’l airport tumatanggap na muli ng int’l flights

ILOILO City– Balik na ang pagtanggap ng international flight sa Kalibo International Airport na nagsisilbing gateway patungo sa sikat na Boracay Island sa Aklan sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit dalawang taon.

Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Kalibo na ipinagpatuloy ang direct international flights sa airport nang lumapag ang isang Air Seoul flight mula Incheon, South Korea noong Biyernes ng gabi.

“Hala Bira! at isang mainit na pagtanggap sa pagbabalik!” saad ng CAAP-Kalibo sa opisyal nitong Facebook page.

Sinimulan ni Aklan Gov. Florencio Miraflores noong nakaraang Disyembre ang panukalang pagpapatuloy ng mga international flights sa Kalibo Airport. Ngunit ang banta ng variant ng Omicron ng Covid-19 ay humadlang.

Wala ring nangyari noong Pebrero 10 nang payagan ng pambansang pamahalaan na bumisita sa bansa ang mga turistang internasyonal na ganap na nabakunahan.

Ang mga dayuhang turista na gustong pumunta sa Boracay Island sa Malay ay kailangan pang lumipad patungong Maynila at sumakay ng connecting flight papuntang Kalibo Airport.

Ang mga direktang internasyonal na flight ay nakikitang magdadala ng mas maraming turista mula sa South Korea na kabilang sa mga nangungunang dayuhang bisita sa pinakasikat na destinasyon sa beach ng bansa.

Nasa 2,439 na dayuhang turista lamang ang bumisita sa Boracay mula Hunyo 1 hanggang 15.

Bukod sa South Korea, mayroon ding mga direktang flight mula sa China at Taiwan bago ang pandemya na nagsimula noong Marso 2020. RNT

Facebook chat ebidensiya sa krimen – SC

Wala nang lusot sa kamay ng batas ang mga kriminal na gumagamit ng Facebook messenger sa kanilang kalokohan.

Ito’y matapos ilabas ng Supreme Court (SC) ang desisyon na nagdedeklara sa mga chat at larawan na ipinadala sa messenger bilang katanggap-tanggap na ebidensiya sa korte kung ang mga ito ay nakuha ng isang pribadong indibiduwal.

Ayon sa artikulo na nilabas sa SC website nitong Biyernes, ang desisyon ay mula sa kaso ni Christian Cadajas.

Hinatulan si Cadajas sa kasong paglabag sa Anti-Child Pornography Act.

Noong 2016, ang 24-anyos pa lamang na si Cadajas ay nakipag-chat sa isang 14-anyos na babae sa messenger at hiningian niya ito ng mga hubad na larawan. Nabasa ng ina ng dalagita ang kanilang mga message at pinilit niya ang anak na bigyan siya ng screenshot ng mga ito.

Sa pagharap sa korte, dumepensa si Cadajas na hindi dapat tanggapin bilang ebidensiya ang chat nila sa messenger dahil pinapasok na umano ang kanyang privacy.

Ngunit ayon sa SC, ang right to privacy na nasa batas ay pumoprotekta sa publiko laban sa panghihimasok ng mga alagad ng batas.

Sa kaso ni Cadajas, hindi gobyerno ang humalungkat ng mga chat niya sa messenger kundi ang ina ng dalagita na isang pribadong indibiduwal.

Dagdag pa ng SC, hindi swak ang depensa ng akusado sa Data Privacy Act. Kaya naman, pinanghawakan ng SC ang desisyon na nagdidiin sa akusado sa kanyang kaso. (Mark Joven Delantar)

PH seafarers to benefit from maritime labor convention amendments

MANILA – The Philippines is among countries that will greatly benefit from the amendments to several provisions of the Maritime Labor Convention of 2006, the Department of Labor and Employment (DOLE) said on Friday.

In a Laging Handa briefing, Labor Undersecretary Benjo Benavidez said these amendments that were adopted during the recently concluded International Labor Convention (ILC) in Switzerland are timely considering that the country is sending thousands of seafarers to work abroad.

“There are eight provisions amended there and the very important one is provision on repatriation,” he said.

Benavidez said that under the amendment, the ship owner and its agent are obliged to arrange for the repatriation of a seafarer who got sick or got into an accident or had his or her contract either expired or terminated.

“If he is a Filipino, bring him back to the Philippines,” he said.

Benavidez added that the seafarers were also provided free internet access to be able to communicate with their families or loved ones.

“Also, because of our experience with the (coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, we have amended provisions on access to information. Because of the lockdown, seafarers need access to their families, so we make your access to internet communication mandatory while he is on the ship,” he said.

Another significant amendment is the right of seafarers to suitable personal protective equipment (PPE).

“You know, the built of the Filipinos are something different, so it seems that the size of the PPE of our fellow seafarers who work on ships and cargo vessels is just right,” he added.

Likewise, Benavidez noted that seafarers are also given priorities in terms of basic needs such as food, accommodation and water,

“Again, these are lessons we learned when there was a lockdown and pandemic and because of those lessons we had to amend the Maritime Labor Convention so that we can better protect and promote the welfare of our Filipino seafarers. And we voted in favor of these amendments,” he added.

The ILC was held from May 27 to June 11 in Geneva. (PNA)

2022 overseas deployment cap para sa healthcare workers, di pa naaabot — POEA

Tuluy-tuloy pa rin ang pagde-deploy ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng mga Pinoy healthcare workers (HCWs) abroad.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief Bernard Olalia, hindi naaabot ang 7,500 na overseas deployment cap para ngayong 2022.

Dagdag pa nito, nananatiling sapat ang bilang ng mga nurses ngayon sa bansa kahit may mga ipinapadala abroad.

Tinukoy nito ang kakatapos lang na PRC examination para sa mga nurses na inaasahang magdaragdag sa bilang ng working force.

Kasunod nito, sinabi ni Olalia na hindi naman awtomatikong aalisin ang deployment cap oras na ma-lift na ang COVID-19 national emergency sa bansa.

Idedepende pa rin umano ito sa assessment at rekomendasyon sa technical working group.

Mas maraming OFW nais i-hire ng European countries – DOLE

MANILA, Philippines – Kahit may pandemya pa, ilang bansa sa Europa ang nagpahayag ng pagnanais na mag-hire ng mas maraming Pilipino para tugunan ang pangangailangan nila sa mga manggagawa.

Ayon kay Labor Attaché Atty. Maria Corina Buñag, karamihan sa mga kailangan nila ay mga manggagawa sa health care sector.

“Aside from Milan, and Northern Italy, we have an emerging labor market in Austria, Romania, Croatia, Hungary, and Slovakia. Italy is now fast becoming an active destination for our OFWs because the employment landscape remains strong and attractive and there is a huge demand for Filipinos,” ani Buñag.

Kaugnay nito, target ng Labor Department na makabuo ng bilateral agreement sa Austria kasunod ng interes nilang mag-hire ng 1,000 nurses, nursing assistants, at iba pang manggagawa sa healthcare industry.

“Since there is a dearth of health care workers in the European region, for its initial project, the government of Austria is looking into hiring 1,000 nurses, from healthcare assistants to registered nurses or even higher ranks,” dagdag nito.

“Immediately after the election, we will have an ocular assessment of prospective employers. This is a long-term work opportunity for our health care workers, that is why we are working on how we can secure a recognized certification for our nursing graduates,” aniya pa.

Dagdag pa ni Buñag, mayroon ngayong upward movement ng OFW deployment sa Romania.

“Currently, there are about 1,500 OFWs in Romania, but every week, around 20 OFWs are being deployed as household service workers, factory workers, as well as automotive workers,” sabi ng opisyal.

Ayon sa DOLE, nakita rin ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Milan, Italy ang pagtaas ng hiring ng mga OFW sa Croatia sa mga sector ng turismo at service industries gaya ng hotel, resorts at restaurants.

Sa ngayon, nasa 3,035 na ang OFWs sa Croatia na noon ay wala pa sa isandaan. RNT/ JCM