
Isang OFW ang nagpost sa isang Group Page tungkol sa kaibigan niya na pinagbabayad ng 800sr para sa Transfer ng Bagahe.
Laking gulat ng pasahero na nauwi sa di pagdala ng bagahe mula dubai patungong Jeddah dahil na rin sa kakulangan ng pera.
Ayon sa Post ng OFW
Paalala sa mga nag babalak mag STOP OVER sa dubai 😿🥺✈️✈️
Dumating ang kasama ko na Naiwan ang maleta sa Dubai dahil pinapabayad sya ng 800sar sa pinas 12k na pera para daw sa bayad ng mag transfer ng maleta nya baggages.
Marami sila halus laht ng kasma nya connecting flights ganun patakaran sa Airport DUBAI kapag mag stop over ka sa Airport nila kht my kilo pa ang Ticket mo ang choice mo lng iwan maleta mo or mag babayad ka ng 800sar kung ayaw mung iwan ang baggage mo maleta
Manila to dubai to jeddah or any country na final destination nyu ma’s Mainam na Just Only handcary lng ang dala nyu wag na kayu mag baggage kung ayaw nyu maiwan maleta nyu ..Kapag hndi kayu Nakabayad or mag bigay ng 800sar. Sayang yun Maleta ng kasama ko😢
Nanghinayng lng ako dahil my mga Pinabili aku na personal use na hirap bilihin ditu dahil subrang mahal…kasama rin sa naiwan😥Buti nlng C Mama ay nag bigay ng pera sa kasama ko Para Ipamili ng damit nya at ibang gamit pag dating nya
Agad naman natin naitawag ito sa ating kaibigang Travel Agency upang malaman ang rason tungkol dito pero di rin malinaw sa kanila ang ginagawa sa Dubai Airport.
Ayon sa kanila naitawag na ito sa Philippine Airlines sa Riyadh upang mabigyan pansin.
Narito ang buong detalye ng paguusap namin:

