Tag Archives: ofw

Two people die and 14 passengers injured as a bus and a truck collision on Al-Hijra Road in Medina

Two people die and 14 passengers injured as a bus and a truck collision on Al-Hijra Road in Medina

May 08, 2022

Two people died and 14 others were injured in a collision between a bus and a truck on the migration road in Medina.

The special forces for road security in the Medina area said they had started the incident, which resulted in the death of the bus driver and his assistant, and the injury of 14 passengers, who were ambulanceed.

It added that its teams and competent agencies are currently working to complete the legal procedures on the incident.

TRANSAKSYON SA DFA, SUSPENDIDO SA MAY 9 O ARAW NG ELEKSYON

Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng  may mga transaksyon sa kagawaran sa buong bansa na suspendido ang pagkuha ng pasaporte, gayundin ang pag-renew nito sa Lunes.

Ito ay matapos na magpalabas ng Presidential Proclamation No. 1357 kung saan idineklara na holiday ang ang May 9 na may kaugnayan sa 2022 National and Local Election bilang Special Non-Working Holiday.

Samantala, sinabi ng DFA na bumalik na lamang ang mga indibidwal na may transaksyon sa ibang araw bilang mga walk-in applicants. – ulat mula kay Raoul Esperas

Isang Kuwaiti at Filipino ang nahuli ng Awtoridad na may dalang ibat-ibang uri ng Alak | Arabtimes Kuwait

Nasamsam ang yate ng Social Media celebrity na may 693 bote ng alak


KUWAIT CITY, May 6: Nakuha ng Customs department ang yate ng isang sikat na social media celebrity dahil naglalaman ito ng iba’t ibang klase ng bote ng alak.

Ang yate ay nagmula sa isa sa mga bansa sa Gulpo at matapos suriin ito ay natagpuan ang 693 na bote ng alak ng iba’t ibang tatak. Sa loob ng yate ay lulan ang isang Kuwaiti citizen at isang Filipino expat.

Ang Direktor-Heneral ng Pangkalahatang Pangangasiwa ng Customs, Suleiman Al-Fahd, ay pinuri ang pagbabantay ng mga empleyado ng customs at lahat ng mga partido na lumahok sa pagpigil sa mga pagtatangka sa pagpuslit.

Nakumpleto ng departamento ng Customs ang imbentaryo ng mga bagay at ang mga tao ay isinangguni sa mga karampatang awtoridad upang gumawa ng legal na aksyon.

Saudization ng Secretarial, Translation, Stock Keeper at Data Entry na mga propesyon mula Linggo

Inanunsyo ng Ministry of Human Resources and Social Development sa Saudi Arabia ang pagsisimula ng Saudization para sa mga propesyon ng secretarial, translation, stock keeper at data entry mula ika-8 ng Mayo, 2022 sa lahat ng rehiyon ng Kaharian.


Ang Ministro ng Human Resources at Social Development, Eng. Naglabas si Ahmed bin Sulaiman Al-Rajhi ng ministeryal na desisyon noong ika-18 ng Rabi Al-Awwal, 1443 upang i-localize ang mga propesyon ng secretarial, translation, stock-keepers at data entry sa lahat ng rehiyon ng Saudi Arabia.

  • Ito ay alinsunod sa mga pagsisikap ng ministeryo na magbigay ng naaangkop at nakakapreskong kapaligiran sa trabaho para sa mga lalaki at babaeng mamamayan ng Saudi at palawakin ang kanilang pakikilahok sa labor market.
  • Dumating ang desisyon na limitahan ang mga propesyon na ito sa mga Saudi National sa mga kumpanya ng pribadong sektor, na may pinakamababang suweldo na 5,000 riyal upang makalkula sa mga porsyento ng Saudization para sa mga tagasalin at mga tagabantay ng stock.

Solon sa BSP: Disenyo ng P500 bill, baguhin

Mayo 4,2022 Source: Remate

MANILA, Philippines – Hinimok ng isang party-list lawmaker ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na baguhin ang kasalukuyang disenyo ng P500 bill na mayroong mukha ni dating Senator Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong President Corazon Aquino at palitan ng “more nationalistic symbol” para sa pagkakaisa ng bansa.

Inihain ni Duterte Youth party-list Representative Ducielle Marie Cardema noong Lunes, Mayo 2, ang House Resolution 2566, na humihikayat sa BSP na alisin ang aniya’y “divisive Ninoy Aquino image” sa naturang banknote.

“The image of anti-Marcos leader, Ninoy Aquino, has been placed in the 500 peso bill and caused so much divisiveness in the Philippine populace because more than half support the Philippine leader whom Ninoy Aquino fought with politically,” saad ni Cardema sa kanyang resolusyon.

Binanggit din niya ang ginawang pagpapalit kamakailan ng BSP sa disenyo ng P1000 bill polymer banknote kung saan makikita ang larawan ng Philippine eagle kapalit ng mukha nina Josefa Llanes-Escoda, Jose Abad Santos, at Vicente Lim.

“The BSP recently removed real wartime heroes like General Vicente Lim, Chief Justice Jose Abad Santos, and Girl Scout of the Philippines founder Josefa Llanes Escoda from our 1,000 peso bill even though they fought foreign invaders. They were replaced with a more nationalistic and a powerful image of the Philippine eagle,” ani Cardema.

“What more for a personality like Ninoy Aquino who only fought politically against a fellow Filipino who is also revered by more than half of the Philippine population,” dagdag niya.

Bago ito, una na ring ipinanukala ni Cardema na ibalik ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kilala noon sa tawag na Manila International Airport para mas madali itong mahanap ng mga biyahero at magbigay ng “sense of pride” sa mga Pilipino. RNT/ JCM

Paano kung “Bar Code” lang ang nakuha ng OFW, sa One Health Pass? Makakasakay ba siya sa Eroplano? | Storya Ni Juan

Mayo 4,2022

Nagpadala tayo ng Email sa Bureau of Quarantine upang itanong at linawin kung pwede na ba ipresinta ang “Bar Code” na nakuha sa One Health Pass kahit wala pang “QR code” o hindi natapos ang Step 3 Registration sa OHp.

Dears,

We are OFW Community in Saudi Arabia, may we asks to your good office if a person will travel in Philippines but did not get QR code, can he able to board the aircraft?

Please enlighten us.

Thanks

OFW SAUDI ARABIA

Ito ang naging Sagot ng BOQ sa ating Email:

You are allowed to board the plane as long as you have registered and have an OHP account. The barcode or Qr code is asked upon arrival at the airport. Please tell your airline (or just present this email) that you may board the plane even without the Qr code/barcode. You just need to present your OHP registration.

Sa kabila nito, may mga eroplano paring hindi tumatanggap ng ‘Bar Code’ kaya payo namin, tapusin ang Pagre-rehistro sa One Health Pass.

OFW SA RIYADH DI PINASAKAY NG EROPLANO DAHIL SA ONE HEALTH PASS BAR CODE

OFWs magsumite na ng MID sa Pag-IBIG, now na!

Source: Philstar.com

PINAAALALAHANAN ng Pag-IBIG Fund ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na magsumite na sila ng kani-kanilang required membership identification (MID) numbers para mapadali ang pagkuha ng kanilang bene­fits. May mga OFWs kasi na may MID na subalit hindi pa nila ito sinusumite sa Pag-IBIG sa iba’t ibang kadahilanan, anang opisyal ng ahensiya ng gobyerno.

Itong polisiya ng Pag-IBIG ay hindi na bago kaya’t hindi na dapat magpatumpik-tumpik ang mga OFWs para mag-comply dito dahil sa kinalaunan, sila rin at ang pamilya nila ang makikinabang dito, di ba mga kosa? Kaya sa mga pulitiko, huwag n’yo ng gamitin ang MID requirement para isulong ang inyog kandidatura Tumpak! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Dipugaaaaa!

Sa joint advisory ng Pag-IBIG at Philippine Overseas Employment Administration (POEA), hinikayat nila ang mga OFWs na magsumite ng kanilang MIDs para mapadali ang kanilang transaction sa state-run corporation. Ipinaliwanag ni Domingo Jacinto Jr., Pag-IBIG Public and Media Affairs Department manager, itong advisory ay isang paalala lamang sa OFWs na tumalima sa naturang requirement. Gustong itama ni Jacinto ang maling akala na ang pagsumite ng MIDs at Pag-IBIG membership ay bagong requirement para sa mga Pinoy na nagtatrabaho abroad. Ipinaliwanag ni Jacinto na maraming maayos at madaling paraan para ang OFWs ay makakuha o i-recall ang kanilang Pag-IBIG MID numbers. Mismooooo! Kailangan pa bang i-memo­rize ‘yan mga kosang OFW? Dipugaaaaa!

Sa mga OFW naman na wala pang Pag-IBIG MID number, iginiit ni Jacinto na maari silang kumuha sa pama­magitan ng POEAs e-Registration system o dili kaya’y sa Pag-IBIG online service facility, Virtual Pag-IBIG. 

Sa OFWs naman na nais i-recall ang kanilang Pag-IBIG numbers puwede rin nilang gamitin ang Virtual Pag-IBIG o kontakin ang korporasyon sa pamamagitan ng tele­pono, email o Pag-IBIG Facebook page. Pindot-pindot lang pala ang katapat nito sa mga gadgets, di ba mga kosa?

Ipinaliwanag pa ni Jacinto na ang mga OFWs ay sakop­ ng Pag-IBIG Fund benefits alinsunod sa Republic Act No. 9679. Maraming nakaumang na benefits para sa Pag-IBIG members kabilang dito ang savings with dividend earnings, short-term cash loans and affordable housing loans. “These benefits shall serve them well while working­ abroad, as well as after their work tenure overseas,” ayon kay Jacinto. Get’s n’yo na ba ang paliwanag ng Pag-IBIG mga kosang kong OFWs? Abangan!

OFW Hospital sa Hunyo pa magiging fully operational

MANILA, Philippines – Sa Hunyo pa magiging fully operational ang bago at kauna-unahang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital sa San Fernando City, Pampanga.

Sa ngayon, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, tanging mga ordinaryong gamutan at outpatient services lang muna ang maibibigay ng ospital habang hindi pa naililipat dito ang ibang medical equipment.

“Kasi ilalagay pa nila ‘yung P200 million worth of medical equipment ng dialysis, MRI, CT scan, at saka ‘yung ibang state of the art medical equipment,” anang kalihim.

Ang 1.5 ektaryang lupain na pinagtayuan ng ospital at nagkakahalaga ng P400 million ay donasyon ng provincial government of Pampanga.

Nasa P600 million naman ng gastos sa konstruksyon ang donasyon ng Bloomberry Cultural Foundation para sa pagsasakatuparan ng ospital.

Habang ang P200 milyong halaga ng medical equipment ay pinondohan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Ayon kay Bello, pangangasiwaan ng UP-Philippine General Hospital ang operasyon ng OFW Hospital.

Dagdag pa ng kalihim, naglaan din ng P250-million budget para sa ospital mula sa General Appropriations Act 2022. RNT/ JCM

Latest Update: Step By Step Registration sa One Health Pass for OFWs 2022 | Storya Ni Juan

Simula Mayo,3,2022 ito na po ang Tamang Prosesong susundin ng Bawat OFWs at Non Ofws sa pagre-rehistro sa One Health Pass. BASAHIN ANG BAWAT CAPTIONS SA IBABA NG MGA LARAWAN.

STEP 1. Personal Informations and Ticket (24 oras bago sumakay ng eroplano SAKA pa lamang magrerehistro sa One Health Pass.

Itype ang https://www.onehealthpass.com.ph/e-HDC/OHP/Registration/ sa inyong Selpon o Kompyuter
Pindutin ang Register o e-HDC
May Video Tutorial po ito kung di niyo maunawaan ang Proseso
Punan ng tamang sagot ang mga susumunod na tanong. Tandaan ang unang tinatanong dito ay KAILAN ka darating sa Pilipinas.
Ilagay ang Personal na Impormasyon ng Biyahero.
Ilagay ang TAMANG lugar na UUWIAN ng Biyahero, ito rin ang ilalagay sa Boq Certificate ng OFW. Ilagay rin dito ang Detalye ng inyong Tiket at Pangalan ng inyong Employer sa Abroad.
Ilagay ang Vaccine Details at i-upload ang inyong Vaccine Certificates. Pwedeng One Dose kung wala pang 2nd dose.
Ilagay rin ang Swabtest mo at kung kailan ka nakapag pa Swabtest. *Tandaan, pwede gumamit ng RT PCR test na nakuha sa loob ng 48 oras oras bago sumaay ng Eroplano (o) AntiGen Test na nakuha sa loob ng 24 oras bago sumakay ng eroplano. Kailangan din ilagay dito kung saan dumaan o lumabas na bansa ang isang OFW.

Rebyuhin ang lahat ng mga detalye. Kung Tama lahat i-tsek ang maliit na Box at isulat ang Numero o Letrang makikita sa ibaba bago i-Submit.
Ganito ang Itsura kapag natapos mo ang pagrerehistro sa inyong Personal na Impormasyon. ***kung may pagkakamali pwede ito balikan at itama sa link na ito http://www.onehealthpass.com.ph/e-HDC/Edit-My-Profile-Data

STEP 2. HEALTH DECLARATIONS (Sagutan ito 12 Oras bago sumakay ng Eroplano.)

Hiwalay ang Personal Data at Health Declarations dahil kailangan i-deklara ng Pasahero ang nararamdaman niya 12 oras bago sumakay ng Eroplano. Ibig sabihin 12 oras bago ka sumakay ng eroplano kailangan mo gawin ito.
Ganito ang Itsura ng Bar Code kapag nasagutan ang HEALTH DECLARATIONS.

STEP 3: PRE-DEPARTURE VALIDATION Gawin ito 4 na oras bago ang Sumakay ng Eroplano.

Pindutin ang Check Pre-Departure Validation na makikita sa inyong One Health Pass Registrations. Maaari itong Gawin 4 hanggang 1 Oras bago sumakay ng eroplano. Kapag Validated na mabibigyan ka ng QR CODE kapalit ng BAR CODE na una mong nakuha. I-tsek ang inyong One Health Pass Registration kapag magtse-CHECK IN na sa Airport

Saan pwede makakuha ng Balik-Manggagawa (OEC)? Storya Ni Juan

I search ang https://dmw.gov.ph/ sa inyong Google gamit ang Selpon o Kompyuter.

Iclick ang DMW E-Registration (Online Services)

Dito makikita ang e-Registration ng POEA. Iclick lamang ang Let’s Go!

Sa mga hindi pa nakagawa ng account panoorin ang Video tutorial na ito https://fb.watch/cLxF2bQGGa/

https://fb.watch/cLxF2bQGGa/

Layunin ng DMW na pagisahin ang lahat ng mga Ahensya na nangangalga sa mga OFW sa iisang Departamento.