Tag Archives: ohp

Latest Update: Step By Step Registration sa One Health Pass for OFWs 2022 | Storya Ni Juan

Simula Mayo,3,2022 ito na po ang Tamang Prosesong susundin ng Bawat OFWs at Non Ofws sa pagre-rehistro sa One Health Pass. BASAHIN ANG BAWAT CAPTIONS SA IBABA NG MGA LARAWAN.

STEP 1. Personal Informations and Ticket (24 oras bago sumakay ng eroplano SAKA pa lamang magrerehistro sa One Health Pass.

Itype ang https://www.onehealthpass.com.ph/e-HDC/OHP/Registration/ sa inyong Selpon o Kompyuter
Pindutin ang Register o e-HDC
May Video Tutorial po ito kung di niyo maunawaan ang Proseso
Punan ng tamang sagot ang mga susumunod na tanong. Tandaan ang unang tinatanong dito ay KAILAN ka darating sa Pilipinas.
Ilagay ang Personal na Impormasyon ng Biyahero.
Ilagay ang TAMANG lugar na UUWIAN ng Biyahero, ito rin ang ilalagay sa Boq Certificate ng OFW. Ilagay rin dito ang Detalye ng inyong Tiket at Pangalan ng inyong Employer sa Abroad.
Ilagay ang Vaccine Details at i-upload ang inyong Vaccine Certificates. Pwedeng One Dose kung wala pang 2nd dose.
Ilagay rin ang Swabtest mo at kung kailan ka nakapag pa Swabtest. *Tandaan, pwede gumamit ng RT PCR test na nakuha sa loob ng 48 oras oras bago sumaay ng Eroplano (o) AntiGen Test na nakuha sa loob ng 24 oras bago sumakay ng eroplano. Kailangan din ilagay dito kung saan dumaan o lumabas na bansa ang isang OFW.

Rebyuhin ang lahat ng mga detalye. Kung Tama lahat i-tsek ang maliit na Box at isulat ang Numero o Letrang makikita sa ibaba bago i-Submit.
Ganito ang Itsura kapag natapos mo ang pagrerehistro sa inyong Personal na Impormasyon. ***kung may pagkakamali pwede ito balikan at itama sa link na ito http://www.onehealthpass.com.ph/e-HDC/Edit-My-Profile-Data

STEP 2. HEALTH DECLARATIONS (Sagutan ito 12 Oras bago sumakay ng Eroplano.)

Hiwalay ang Personal Data at Health Declarations dahil kailangan i-deklara ng Pasahero ang nararamdaman niya 12 oras bago sumakay ng Eroplano. Ibig sabihin 12 oras bago ka sumakay ng eroplano kailangan mo gawin ito.
Ganito ang Itsura ng Bar Code kapag nasagutan ang HEALTH DECLARATIONS.

STEP 3: PRE-DEPARTURE VALIDATION Gawin ito 4 na oras bago ang Sumakay ng Eroplano.

Pindutin ang Check Pre-Departure Validation na makikita sa inyong One Health Pass Registrations. Maaari itong Gawin 4 hanggang 1 Oras bago sumakay ng eroplano. Kapag Validated na mabibigyan ka ng QR CODE kapalit ng BAR CODE na una mong nakuha. I-tsek ang inyong One Health Pass Registration kapag magtse-CHECK IN na sa Airport