Magpapatupad na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng mas mataas na premium rate simula sa Hunyo.
Ayon kay PhilHealth Senior Manager for Formal Sector-member Management Group Rex Paul Recoter, alinsunod ito sa nakasaad sa Universal Health Care (UHC) Law kung saan dapat na tataas ng 0.5% ang premium rates kada taon.
Sa ilalim nito, ay aakyat na sa 4% ang kontribusyon kaya ang mga kumikita ng ₱10,000 kada buwan ay dapat nang maghulog ng ₱400 na monthly PhilHealth contribution o katumbas ng ₱4,800 kada taon.
“So, the monthly PhilHealth contribution by each individual shall be ₱400 for those earning ₱10,000 while the annual premium shall be ₱4,800. For those who are earning the ceiling is ₱80,000, the monthly PhilHealth contribution shall be ₱3,200, while the annual PhilHealth contribution shall be ₱38,400,” ani Recoter.
Matatandaang noong 2021 ay ipinagpaliban ang premium hike sa PhilHealth dahil na rin sa pagtama ng pandemya.
