Tag Archives: polo owwa 2021

Ganito ang troll. Itinatago ang anyo at tunay na pagkatao.

Ganito ang troll. Itinatago ang anyo at tunay na pagkatao.

May 2, 2022 Posted by Polo Owwa 2021

Please lang po, kung may request for assistance po kayo ay sabihin ninyo ang tunay na pangalan ng tinutulungan ninyo, sim number kung mayron, lugar ng kinaroroonan at salaysay ng kanyang kaso.

Ilagay din po ang identity ninyo sa request kasi di namin kayo mahagilap kung kailangan namin kayo para patunayan ang complaint ng isang biktima. Hindi kami pwede magsabi sa police na troll ang source ng aming information kung sakaling tanungin kami.

Sana din po ay i validate ninyo ng maayos ang mga reklamo bago ninyo ibato sa POLO kasi marami pong hindi totoo na complaints na napapag aksayahan ng oras na hindi naman dapat.

Ang payo din po namin ay kung may problema sa employer, kausapin po ng maayos, deretso, mahinahon at prangkahan ang employer. Saka nalang po kayo makipag-ugnayan sa amin kung hindi uma-aksyon ang amo sa mga karapatan ninyo. Hindi po lahat na dapat itanong o sabihin sa employer ay ang POLO pa ang papatawagin sa employer. Mag exert din po tayo ng efforts para sa ating sarili. Hindi po all the time ay i-aasa natin sa iba ang ating mga suliranin.

Salamat po!