Ika-2 ng Mayo, 2022 Narito ang pahayag ni Sec. Bello III, sa Interview niya sa DZBB Super Radyo.
Sec. Bello III kaugnay sa OFW Hospital: Ito ay ospital kung saan walang gastos ang ating gobyerno… ‘yung mga medical equipment ay bigay ng PAGCOR.
Sec. Bello III: Mayroon tayong MOA with PGH para sa mamamahalang doktor sa OFW Hospital.
Sec. Bello III: Kung may OFW na magkasakit o kanilang legal dependents, maaari silang magtungo sa OFW Hospital at wala silang babayaran.
Sec. Bello III: Active or inactive OFWs, entitled sila para sa free medical attention sa OFW Hospital.
Sec. Bello III: Lahat ng klase ng sakit ay kayang tugunan sa OFW Hospital… Kung ano ang kaya ng St. Luke’s o Makati Medical Center, kaya ring tugunan ng OFW Hospital.
Sec. Bello III: Sa ngayon, tinatanggap na sa OFW Hospital ang mga minor out-patient… May mga alok din na laborary test sa OFW Hospital
Sec. Bello III: Mayroong 3 ambulansiya ang OFW Hospital.