Latest Update: Step By Step Registration sa One Health Pass for OFWs 2022 | Storya Ni Juan

Simula Mayo,3,2022 ito na po ang Tamang Prosesong susundin ng Bawat OFWs at Non Ofws sa pagre-rehistro sa One Health Pass. BASAHIN ANG BAWAT CAPTIONS SA IBABA NG MGA LARAWAN.

STEP 1. Personal Informations and Ticket (24 oras bago sumakay ng eroplano SAKA pa lamang magrerehistro sa One Health Pass.

Itype ang https://www.onehealthpass.com.ph/e-HDC/OHP/Registration/ sa inyong Selpon o Kompyuter
Pindutin ang Register o e-HDC
May Video Tutorial po ito kung di niyo maunawaan ang Proseso
Punan ng tamang sagot ang mga susumunod na tanong. Tandaan ang unang tinatanong dito ay KAILAN ka darating sa Pilipinas.
Ilagay ang Personal na Impormasyon ng Biyahero.
Ilagay ang TAMANG lugar na UUWIAN ng Biyahero, ito rin ang ilalagay sa Boq Certificate ng OFW. Ilagay rin dito ang Detalye ng inyong Tiket at Pangalan ng inyong Employer sa Abroad.
Ilagay ang Vaccine Details at i-upload ang inyong Vaccine Certificates. Pwedeng One Dose kung wala pang 2nd dose.
Ilagay rin ang Swabtest mo at kung kailan ka nakapag pa Swabtest. *Tandaan, pwede gumamit ng RT PCR test na nakuha sa loob ng 48 oras oras bago sumaay ng Eroplano (o) AntiGen Test na nakuha sa loob ng 24 oras bago sumakay ng eroplano. Kailangan din ilagay dito kung saan dumaan o lumabas na bansa ang isang OFW.

Rebyuhin ang lahat ng mga detalye. Kung Tama lahat i-tsek ang maliit na Box at isulat ang Numero o Letrang makikita sa ibaba bago i-Submit.
Ganito ang Itsura kapag natapos mo ang pagrerehistro sa inyong Personal na Impormasyon. ***kung may pagkakamali pwede ito balikan at itama sa link na ito http://www.onehealthpass.com.ph/e-HDC/Edit-My-Profile-Data

STEP 2. HEALTH DECLARATIONS (Sagutan ito 12 Oras bago sumakay ng Eroplano.)

Hiwalay ang Personal Data at Health Declarations dahil kailangan i-deklara ng Pasahero ang nararamdaman niya 12 oras bago sumakay ng Eroplano. Ibig sabihin 12 oras bago ka sumakay ng eroplano kailangan mo gawin ito.
Ganito ang Itsura ng Bar Code kapag nasagutan ang HEALTH DECLARATIONS.

STEP 3: PRE-DEPARTURE VALIDATION Gawin ito 4 na oras bago ang Sumakay ng Eroplano.

Pindutin ang Check Pre-Departure Validation na makikita sa inyong One Health Pass Registrations. Maaari itong Gawin 4 hanggang 1 Oras bago sumakay ng eroplano. Kapag Validated na mabibigyan ka ng QR CODE kapalit ng BAR CODE na una mong nakuha. I-tsek ang inyong One Health Pass Registration kapag magtse-CHECK IN na sa Airport

13 thoughts on “Latest Update: Step By Step Registration sa One Health Pass for OFWs 2022 | Storya Ni Juan”

  1. Sobrang pahirap po yan sa aming mga ofw!..wag naman sanang ganyan…ubos-oras yan..ano, tutok na lang sa cp?? Stress na sa trabaho, dagdag stress pa yan..maawa nman po!

    Like

  2. Good day sir Jhon!sir sa country visited ilalagay po ba doon ung lay over country pag halimbawa connecting flight po..thank you po.

    Like

  3. Nag register ako kanina 12:30 am ng madaling araw pero hanggang ngayon umaga “PLEASE WAIT” pa rin ang nakalagay pagkatapos ko pindutin ang “REGISTER” dun sa unang pagtala ng mga impormasyon. Paano ang aking susunod na gagawin? Mamya nang 11pm ang biyahe ko.

    Like

  4. maganda araw idol.ask ko lang po kung lilipat po ba ako ng bago employer at di pa expired iqama ko ng 3 months babayaran ko po ba ang natitira buwan? sna masagot nyo po idol Juan. salamat

    Like

  5. thank you po sir subrang laking tulong po nito sakin uwi po aq katapusan salamat po God bless you po sir 😊

    Like

  6. tama lang namura mo sila sa vlog mo sir john. ubos oras talaga, pahirap sila sa mga ofw. sila kaya mag fill up ng portal na gawa nila. pu@#&%&*@

    Like

  7. Paano po pag nawala po ang copy ng bar code ng one health pass pero na registered kna? If you nawala din po ang copy ng vaccine.. Saan po mkakakuha ng vaccine record.. Fully vaccine po sa saudi., dito na address sa tanza Cavite.. Saan ko mkukuha ang copy ko sa vaccine.. Pa abroad na po kc ako ulit..saan po kya ako mkakakuha ng vaccine certification. Sna po ma sagot..

    Like

  8. Mas madali PA ang nauna procedure, wag nang pahirapan OFW’s, nakapasa na nga sa pinanggalingan na country eh Lalo na vaccinated.

    Like

Leave a reply to Ariel Vicencio Cancel reply