Source: Philstar.com

PINAAALALAHANAN ng Pag-IBIG Fund ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na magsumite na sila ng kani-kanilang required membership identification (MID) numbers para mapadali ang pagkuha ng kanilang benefits. May mga OFWs kasi na may MID na subalit hindi pa nila ito sinusumite sa Pag-IBIG sa iba’t ibang kadahilanan, anang opisyal ng ahensiya ng gobyerno.
Itong polisiya ng Pag-IBIG ay hindi na bago kaya’t hindi na dapat magpatumpik-tumpik ang mga OFWs para mag-comply dito dahil sa kinalaunan, sila rin at ang pamilya nila ang makikinabang dito, di ba mga kosa? Kaya sa mga pulitiko, huwag n’yo ng gamitin ang MID requirement para isulong ang inyog kandidatura Tumpak! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Dipugaaaaa!
Sa joint advisory ng Pag-IBIG at Philippine Overseas Employment Administration (POEA), hinikayat nila ang mga OFWs na magsumite ng kanilang MIDs para mapadali ang kanilang transaction sa state-run corporation. Ipinaliwanag ni Domingo Jacinto Jr., Pag-IBIG Public and Media Affairs Department manager, itong advisory ay isang paalala lamang sa OFWs na tumalima sa naturang requirement. Gustong itama ni Jacinto ang maling akala na ang pagsumite ng MIDs at Pag-IBIG membership ay bagong requirement para sa mga Pinoy na nagtatrabaho abroad. Ipinaliwanag ni Jacinto na maraming maayos at madaling paraan para ang OFWs ay makakuha o i-recall ang kanilang Pag-IBIG MID numbers. Mismooooo! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosang OFW? Dipugaaaaa!
Sa mga OFW naman na wala pang Pag-IBIG MID number, iginiit ni Jacinto na maari silang kumuha sa pamamagitan ng POEAs e-Registration system o dili kaya’y sa Pag-IBIG online service facility, Virtual Pag-IBIG.
Sa OFWs naman na nais i-recall ang kanilang Pag-IBIG numbers puwede rin nilang gamitin ang Virtual Pag-IBIG o kontakin ang korporasyon sa pamamagitan ng telepono, email o Pag-IBIG Facebook page. Pindot-pindot lang pala ang katapat nito sa mga gadgets, di ba mga kosa?
Ipinaliwanag pa ni Jacinto na ang mga OFWs ay sakop ng Pag-IBIG Fund benefits alinsunod sa Republic Act No. 9679. Maraming nakaumang na benefits para sa Pag-IBIG members kabilang dito ang savings with dividend earnings, short-term cash loans and affordable housing loans. “These benefits shall serve them well while working abroad, as well as after their work tenure overseas,” ayon kay Jacinto. Get’s n’yo na ba ang paliwanag ng Pag-IBIG mga kosang kong OFWs? Abangan!
Nung last year po ng pasa po ako ng pag ibig mid sa agency kasi hiningan nila kme ng pag ibig number.. ksali na ba kme sa mga benefits or mg bayad muna kme para mka kuha ng benefits
LikeLike
Good day po
LikeLike
Don’t have day off ..
Wants to continue my Pag Ibig.
How i will know if im active still
Just 8 months here i Riyadh as balik manggagawa. Thank you!
LikeLike
Panu ba malalaman kung active kpa spag ibig fund. Salamat po
LikeLike
Papanu hu nasa ibang bansa ako papanu ako mag apply ng pag ibig
LikeLike
Magandang Araw po dikopo makita ang Pag ibig number kopo
Nais kopo ito mlaman
LikeLike
thank you
LikeLike
Paano po mag avail?
LikeLike
Paano po mag avail sa pag ibig
LikeLike
Mayroon po akong num.never PA po akong nghuhulog 2018 po ako kumuha number, Sabi NG agency ko huloga daw Nila NG 2yrs iwan ko Kong nahulogan ba sa agency ko.
LikeLike
Good day Maam/Sir how can i recall my Pag ibig mid number?
LikeLike