OWWA maglulunsad ng programa para sa mga anak ng OFWs

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Martes na inaprubahan ng board of trustees nito ang resolusyon na bubuo ng flagship program para sa proteksyon at kapakanan ng mga anak ng overseas Filipino workers.
Inihayag ng OWWA na sa Board Resolution Number 7 nito, inaprubahan ang OFW Children’s Circle (OCC) noong Hulyo 15 ng OWWA Board of Trustees sa pangunguna ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, kasama si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.
Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagaanin ang buhay ng mga OFWat kanilang mga anak sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sinabi rin ng OWWA na tutulungan ng OCC ang mga anak ng OFW na ipakita ang kanilang mga kakayahan at talendo, pagbutihin ang kanilang social skills, mahasa ang kanilang coping mechanisms, at bigyan sila ng kaalaman sa youth-centered at civic advocacies kagaya ng environment at climate change, values reorientation, digital literacy, at anti-drugs at substance abuse.
“The OCC aims to help OFW children to achieve their full potential in community- and nation-building. It will also address the societal impact of labor migration, such as separation from an OFW-parent, as well as negative effects on their well-being and mental health,” pahayag ng OWWA.
“OCC programs and activities aim to help children cope with the negative effects and social costs of migration, not to mention the effects of the COVID-19 pandemic and other global emergencies,” dagdag nito.
Hindi bababa sa P15 milyon ang inilaan ng OWWA Board of Trustees fpara sa inisyal na implementasyon ng programa, na saklaw ang operational at administrative expenses nito.
Ayon pa sa OWWA, inisyal na ipatutupad ang OCC sa regional welfare offices sa National Capital Region, Ilocos Region, Calabarzon, Central Visayas, at Davao Region.
Susundan ito ng implementasyon ng programa sa lahat ng OWWA regional welfare offices. RNT/SA

22 thoughts on “OWWA maglulunsad ng programa para sa mga anak ng OFWs”

  1. Sana lahat ng ofw ay marali sa programa na yan na kahit na expire na ang owwa membership. Dahil ang iba manga kasambahay dito sa saudi d naka pag renew ng kanilang owwa .. sana po.lahat maka tanggap.

    Like

  2. Sana lahat po ng ofw masali po jan sa programa ma mabigyan ang pamilya sa pinas ng 15k. Kahit active or inactive na.. kase marami din dito. Sa ibang bansa na d na nakakapag renew ng kanilang owwa. Karamihan manga kasambahay po at isa na ako don.. malaking tulong napo yan sana. Lahat po mabigyan.. salamat po..

    Like

  3. From Saudi po paano po ba kapag nd naka renew ng contract kasali po ba mag 5years na po ako sa amo ko single mom po ako 4 child tnx

    Like

  4. Hopefully lahat ma accommodate sa bagong panukala ng ating Gobyerno sa laki PA nmn ng inilaan na pundo sana itoy matiwasay na mapalaganap sa mga legitimate migrant workers at Lalo na eligitamate ofw Dh workers na wlang proper insurances na makukuha sa owwa DAHIL sa kapabayaan ni worker at agency na pinanggalingan nito bukod PA roon
    Sana maging honest ang mga nakatalaga sa nasabing gagawing bagong panukala..

    – DOMESTIC HELPER here in Riyadh ksa
    More than 3yeas

    Looking forward for the new beginning and new endeavors of my fellow OFW DOMESTIC HELPER and skilled workers

    Mabuhay ang PILIPINAS!!!!

    JOVELYN SANGUINES DELA CRUZ

    Like

  5. Sir qualified po ba yun mga anak ko 5 yrs po ako dto sa saudi hinde na po ako nkabili k single parent po

    Like

  6. Sana po maipatupad ang kanilang programa.. At malaking tolong po ito para sa aming mga OFW… At sana check nila lahat ng mga ofw for survey information pra malaman din ang katayuan ng mga worker.. Specially sa mga household worker….
    Ako po ay nag change employer din pero d me sure kung nasalin na ang name sa new employer ko pra sa new contract.. Ksi po toloy parin ang counted ng 2 yrs contract ko dahil yon po ang sabi sa akin. Pero wla po akong pinirmahan na bagong contract… Basta sinabi lang na an transfer na daw….. Sana po plsss masurvey po ang mga lahat ng household worker para maging legal mo ang aming contracta… Maraming salamt po sa concern.. 🙏

    Like

  7. May ate po kame sa abroad sa riyadh ma’am Sir pwede poba sumali kapatid namin sa scholarship incoming grade 12 na po siya at private po pinapasukan niyang school?

    Like

  8. Sna nmn po mkasli ako G9 npo ank ko single mom po ako i am working here jeddah almost 5years.🙏❣️

    Like

  9. Good am po sir’maam,Paano po magaply para maipasok ko yong tatlo kong anak single mom lng po ako ako lahat gumastos ng pag aaral mga anak ko sana po matulongan nyo ako maraming salamat po

    Like

  10. Hi mam / sir ako po si Elsa yap nandito po ako ngayon sa kuwait 9 yrs na po ako dito. Pwde po ba yon anak ko magkuha ng owwa or magaply sa inyo kasi college na po siya ngayon pasokan sa pup po ty

    Like

  11. Gusto ko sana maka avail ng scholarship ang anak sa college pero nang pinontahan ko ang owwa wala na daw slots sa scholarship paonahan pala to..akala ko basta ofw maka avail into pero amg hirap pala..

    Like

  12. Gusto ko sana maka avail ng scholarship ang anak sa college pero nang pinontahan ko ang owwa wala na daw slots sa scholarship paonahan pala to..akala ko basta ofw maka avail into pero amg hirap pala..

    Like

  13. Gusto ko sana maka avail ng scholarship ang anak sa college pero nang pinontahan ko ang owwa wala na daw slots sa scholarship paonahan pala to..akala ko basta ofw maka avail into pero amg hirap pala..

    Like

  14. Hello sir ..good day i wish mabgyn kmi ng tulong gling owwa katulad ko single parent lima po ank ko dto aq saudi para matugunan pg aaral nila

    Like

Leave a reply to marjorie d escalona Cancel reply